July 19, 2015
Mark 6: 30-34
Ngayong linggo sa aking pagninilay, nakita ko ang sarili ko sa mga alagad ni Hesus at sa bayan na sumunod sa kanya para lamang makita at mapakinggan siya:
1. Kilala ka ni Lord…alam niya ang mga pinagdadaanan mo kaya nais niya na makasama ka upang mapag-isa. Maaring ito ay sa anyo ng PANALANGIN, PANANAHIMIK o kahit man lang BAKASYON.
Akala natin minsan, ADVICE ang kailangan natin kapag tayo ay may problema…kadalasan pala PAHINGA lang ang solusyon dito KASAMA ang Diyos.

2.
Alam ni Lord na HAHANAPIN mo siya kapag may problema ka. Minsan PRIDEFUL tayo at akala natin na kaya natin ang ating mga suliranin, pero kapag masyado ng mabigat…alam natin na wala rin naman tayong ibang malalapitan. Gustong sabihin sa atin ni Lord na siya ay MAAWAIN at HINDI KA NIYA KAYANG TANGGIHAN…kaya kapag may problema…TAWAG lang.