Linggo, Hulyo 12, 2015

GOSPEL REFLECTION

MARK 6: 7-13
Ngayong Linggo, July 12, 2015, itinuro sa akin ng Gospel na:

1.       Maging PASSIONATE bilang isang lingkod:
Hindi ko magagawa ang aking mga tungkulin ng maayos kung hindi ko ito MINAMAHAL. The more na mahal ko ang isang bagay mas lalo itong nagiging mabunga. Gawing sentro ang pagmamahal sa paggawa. Kung KINAKAPOS ng passion, alalahanin na MAHAL ka ni Lord.

2.       I’M THE CHOSEN ONE:
Nag-effort si Bro na mag-ikot sa iba’t-ibang dako para pumili ng kanyang magiging alagad. Lahat tayo ay binigyan ng iba’t-ibang kakayahan at talent hindi lang para sa WALA…May purpose ito, at ito ay upang mapabuti ang nasa paligid natin at dahil dito, nakikita ng iba na tunay na BUHAY ang DIYOS at KUMIKILOS.

3.       Ang Service ay buhay na KAPOS ngunit laging PUNO.

Kapag niyakap ang buhay paglilingkod, NORMAL na inaalis ni Lord lahat ng COMFORTS para hindi ka magtiwala lang sa sarili mo. Kaya huwag magreklamo kung bakit MAHIRAP. Normal iyon….ang gusto ni Lord sa kanya ka UMASA at magtiwala na kaylanma’y hindi ka KUKULANGIN.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento