Martes, Mayo 26, 2015

Pagninilay sa Guro ng ika-21 Siglo

Teaching is not just the NOBLEST rather the HOLIEST among the professions…Kung mayroon mang statement na maglalarawan ng kabuuan ng pagkatuto ko sa loob ng tatlong araw naming Summer Institute, iyan ay ang pahayag na ‘yan. Ngunit bago ko natanto ang realization na iyan ay kailangan ko munang maunawaan kung ano nga ba ang NAGPAPABANAL sa gawain ng isang guro? Lingid ito sa akin hanggang sa makarating ako sa seminar na ito.

                Kung ako lang ang tatanungin ay gusto kong laktawan ang mga petsa ng May 25 hanggang 31 at dumiretso na sa June 1….ang araw ng pasukan. Masyado akong excited para sa pasukan to the point na mayroon na akong dalawang linggong teaching log at mayroon naring mga teaching materials. Para sa akin, bakit nga ba kailangan pang makinig ng mga talks, mag-partecipate sa mga workshops at magtiis ng init ng panahon kung mauuwi lang din naman sa turuan ang lahat? I keep on asking God those questions. But God didn’t reply…He simply took me into a surprise.

                Para sa akin, ang pasukan ay maihahalintulad sa isang “bagong taon”…bagong mga gamit, bagong uniporme at bagong mga estudyante. Pero may isang bagay ang bumabagabag sa akin, tila ba may isang bagay pa ang hinihintay kong maging bago sa akin bilang isang guro…hinihintay ko na magkaroon ako ng bagong puso. Hindi ko itinatanggi na noong nakaraang school year ilang ulit akong binigo ng mga bata dahil hindi nila ma-meet ang expectations ko….Hindi nila makuha kung anong gusto kong maipabatid pagdating sa mga lessons at activities…may mga pagkakataon pa nga kung saan tinatanong ko ang aking sarili: “Bakit ba sa murang edad ko na ito ay parang hindi ako maka-RELATE sa mga estudyante ko?” Ang mga karanasang ito ay nagdulot sa akin stress, frustrations at disappointments…..Buti nalang at dumating ang araw ng Summer Institute…matapos ang tatlong araw ng seminar…nalaman ko na hindi ko pa pala lubusang NIYAYAKAP ang pagka-guro ko dahil hindi pa pala ako isang LUBUSANG 21st century teacher.

                Ang buong akala ko, ang pagiging isang 21st century teacher ay nangangahulugan lamang na marunong kang gumamit ng teknolohiya sa klase mo…mali pala. Ang tunay na kahulugan pala nito ay dalhin mo ang teknolohiya sa mga mag-aaral at hayaan silang magsulat, magbasa, tumuklas, manaliksik, magtanong, mag-isip, mangatwiran, at bumuo ng mga bagong ideya mula dito…Sa panahon kung saan ang lahat ng mga bata ay DIGITAL CITIZENS mahalagang maihandog mo sa kanila ang isang bagay na papawi ng kanilang uhaw sa kaalaman at kasabay nito ay mahaplos ang kanilang mga interes. Wala na ang mga panahon kung saan ang mga mag-aaral ang laging mag-aadjust sa mga guro…Sa panahon ngayon, dapat ay matutunan ng mga guro ang umabot sa lebel kung saan mauunawaan sila ng mga mag-aaral. Sa panahon ngayon, dapat matutunan ng guro ang maging bukas palad at ibuhos ng ganap kung ano ang mayroon siya upang matugunan ang pangangailangan ng mga mag-aaral. Sa panahon ngayon, dapat matutunan ng guro na hindi na lamang mga datos at impormasyon ang pagkakakilanlan niya…upang maipabatid sa mag-aaral  ang buong pagkatuto, kailangan niya ring buksan ang kanyang pagkatao at ipakilala ito sa mga bata. Sa madaling sabi, hindi na WHAT CAN YOU DO ang dini-demand ng patuloy na nagbabagong mundo sa mga guro kundi WHAT ELSE CAN YOU DO. Alam ng mundo at saksi ang kasaysayan sa kung anong kayang gawin ng mga guro…ang hindi nito alam ay kung hanggang saan ang kaya niyang ibigay. The challenge now is not just simply to give…but to give GENEROUSLY.

                Malamang ay may mga guro na magsasabing: “labis yata iyan?” or some might say: “it’s too ideal”…Oo at hindi biro kung ano ang expectation ng mundo sa atin sa kasalukuyang panahon. Pero nais kong balikan ang tinuran ko sa pagsisimula ng pagninilay na ito: “Teaching is not just the NOBLEST rather the HOLIEST among the professions”. Ang pagiging isang BAYANI ay pag-gawa ng mga bagay na DAKILA (ito ang mukha ng dating guro) samantalang ang pagiging BANAL ay pag-gawa ng mga bagay ng may DAKILANG PAGMAMAHAL. Walang SANTO sa kasaysayan ang gumawa ng hindi pinaghalo ang KADAKILAAN at PAGMAMAHAL. Sabi nga: “teaching is a call”…minsan tayong tinawag ng Maykapal upang tumugon sa tungkuling ito and it’s so happy that we all said yes…but the call has changed..it’s not anymore a call to TEACH rather a call for GENEROSITY. Let’s be generous for God is. J



Vincent Doctor Barraza

Tondo High School, Teacher 1

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento